-- Advertisements --
Ibinunyag ngayon ni Elon Musk na tinamaan ng cyber-attack ang kaniyang social media platform na ‘X’.
Sinabi nito na ilang daang libong mga users ng ‘X’ o ang dating Twitter ang nagreklamo na hindi nila ma-access ang kanilang account.
Bagamat walang ebidensya ay inihalintulad nito ang naganap din cyber-attack sa nasabing social media sites noong ianunsiyo nila na magkakaroon ng stream ang interview kay US President Donald Trump.
Karamihang nadamay nitong madaling araw ng Martes dito sa Pilipinas ay mula sa Asya, Europe at North America.
Matapos ang mahigit dalawang oras ay nakabalik na sa normal ang nasabing social media sites.
Magugunitang noong 2022 ng nabili ni Musk ang Twitter sa halagang $44 bilyon at pinalitan nito sa X.