-- Advertisements --
Ibinebenta ngayon sa auction ang long-lost model na X-wing fighter na ginamit sa pelikulang “Star Wars” noong 1977.
Ayon sa Dallas-based auction na Heritage Auctions magsisimula ang bidding price nito sa $400,000.
Ginamit ang nasabing eroplano sa huling labanan sa “Star Wars: Episode IV- A New Hope” bilang Rebel Alliance fight.
Ang ibabaw na pakpak ng eroplano ay pininturahan ng kulay pula para makilala bilang “Red Leader” ng squadron.
Pag-aari ito ng namayapang si Greg Jein isang Oscar at Emmy nominated miniature-maker.
Ang “the missing X-wing” ay nadiskubre ng grupo ng visual effects experts na kinabibilangan nina Gene Kozicki.