CAGAYAN DE ORO CITY -Kinatigan ng Xavier University -Ateneo de Cagayan ang suspension order na ipinataw ng Korte Suprema sa law practice laban sa dati nilang propesor sa law department ng institusyon sa Cagayan de Oro City.
Batay sa inihayag na mensahe ng unibersidad na ipinadala sa Bombo Radyo,labis na ikinagalak nila na ruling ng Korte Suprema laban kay Atty Cresencio Co Untian Jr na pinatawan ng limang taon na law practice ban at isang dekada na pagbabawal na makapagturo.
Dagdag ng unibersidad na kahit hindi pa man naglabas ng desisyon ang Supreme Court ay pinatawan na nila ng guilty verdict ang abogado sa kinaharap nito sexual harassment case epektibo noong Setyembre 5, 2002.
Nilinaw ng Xavier University -Ateneo de Cagayan na nalabag umano ni Untian ang nakasaad sa anti-sexual harassment guidelines nang iniimbestigahan ng Committee on Decorum.
Dahil umano rito na paglabag ng abogado ay tuluyan ng hindi na ini-renew ng unibersidad ang kontrata nito upang maalis na sa roster bilang miyembro ng faculty.
Magugunitang mahigpit na sinusunod ng paaralan ang Anti-Sexual Harassment Act of 1995 (Republic Act No. 7877) kaya kinatigan nito ang inihain ng tatlong babaeng law students noon laban sa inireklamo na abogado.
Maging ang Intergrated Bar of the Philippines (IBP) Misamis Oriental at Cagayan de Oro Chapter ay nagpataw rin ng dalawang taon na parusa sa law practice ni Untian.
Sa ngayon,patuloy na tikom pa ang bibig ng abogado laban sa pinakaulahing ruling ng korte laban sa kinaharap na kaso nito.
Napag-alaman na unang inireklamo si Untian sa Korte Suprema dahil umano’y ilang ‘flirting text messages’ na ipinadala nito sa tatlong mga mag-aaral nito noon.