Masayang ibinahagi ni Mutya ng Pilipinas Global Xena Ramos ang naging experience nito sa kakatapos lang na ginanap na Miss Global 2025 sa Thailand kagabi.
Si Ramos, ay nakamit ang 4th runner up matapos ang maikli ngunit pasok sa banga nitong sagot sa QNA portion ng kumpetisyon dito ibinahagi ng actress at architect kung paano siya naging grateful sa lahat ng nangyayari sa kaniyang career lalo pa’t na i-representa aniya ang pangalan ng Pilipinas sa international stage.
Samantala tinalo ni Dinh Nhu Van Nguyen ng Vietnam ang 61 iba pang mga kalahok matapos tanghaling Miss Global 2025.
Una rito ibinahagi naman ng Mutya ng Pilipinas pageant ang iba pang success moment ng mga kapwa nitong reining queen kabilang si Liana Barrido na naging 6th runner-up sa Miss Tourism International, Alyssa Redondo na inirepresenta ang Pilipinas sa Miss Intercontinental at nakamit ang 2nd runner-up.
Habang si Megan Campbell naman mula batch 2022 ay naging kapalit ni 2024 Queen Anne Klein Castro sa World Top Model contest nang magkaroon ng problema si Castro sa pagkuha ng visa.
Makakasama naman ni Ramos sa line up ng mga nagwagi sa Miss Global 2025 bukod kay Nguyen ng Vietnam si Jamaica at Puerto Rico bilang 1st at 2nd runner-up, at USA bilang 3rd runners-up.