-- Advertisements --

Nanindigan si Chinese President Xi Jinping na hinding-hindi sila mapaghihiwalay ni Russian President Vladimir Putin.

Ito ang naging pahayag ni Xi matapos na tawagan sa telepono si Putin.

Isinabay ang nasabing tawag sa ikatlong taong anibersaryo ng pagsakop ng Russia sa Ukraine.

Giit ni Xi na matibay ang samahan ng China at Russia dahil sa nagbabahagi sila ng mga stratehiya at ito ay pangmatagalan.

Itinuturing naman ng Russia na ang ginawang pagtawag ay isang pagiging pagkakaibigan ng dalawang lider.