Tiniyak ni Chinese President Xi Jinping na idadaan sa mapayapa ang “pagsasama” sa Taiwan.
Ito ay kahit na hindi direktang binanggit ang paggamit ng puwersa pagkatapos ng isang linggong tensiyon sa isla na inaangkin ng China na nagdulot ng international concern.
Tumugon naman ang Taiwan dito at ipinawagan nito sa Beijing na talikuran ang pamimilit nito at iginiit na tanging ang mga tao lamang sa Taiwan ang maaaring magpasya sa kanilang hinaharap.
Nakaranas ng political pressure mula sa Beijing ang demokratikong pamumuno sa Taiwan upang tanggapin ang soberenya nito, ngunit nangako ang Taipei na ipagtatanggol ang kanilang kalayaan.
Sa ginawang pagsasalita nito sa Great Hall of the People ng Beijing, sinabi ni Xi na ang mga mamamayang Tsino ay mayroong “maluwalhating tradisyon” ng pagtutol sa paghihiwalay.
Aniya, ang pakikipaghiwalay ng kalayaan ng Taiwan ay ang pinakamalaking hadlang sa pagkamit ng muling pagsasama ng inang bayan, at ang pinakaseryosong nakatago na panganib sa national rejuvenation.
Ang mapayapang “pagsasama-sama” ang pinakamahusay daw na pagtugon sa pangkalahatang interes ng mga Taiwanese, ngunit poprotektahan ng Tsina ang soberanya at pagkakaisa nito.
Ginawa ni Chinese President Xi Jinping ang pahayag na ito matapos ang nangyaring military tensions sa Taiwan Strait kung saan ang China ay nagpalipad ng halos 150 fighter jets, nuclear-capable bombers, anti-submarine aircraft, at airborne early warning and control planes sa Taiwan’s Air Defense Identification Zone.