-- Advertisements --

Inihayag ni Chinese President Xi Jinping ang pakikipag-isa sa Taiwan.

Ito ang naging laman ng kaniyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-75 taon ng Communist China.

Sa nasabing okasyon ay ipinakita ang China ang iba’t-ibang mga armas at sasakyang pandigma.

Magugunitang iginigiit ng China na kanilang bahagi pa rin ng bansa ang Taiwan.

Itinatanggi ito ng Taiwan at sinabing matagal na silang nakalaya sa pananakop ng China.