Naniniwala ang ilang eksperto na nagpalakas umano sa loob ni North Korean leader Kim Jung-un ang pagbisita sa kanilang bansa ni Chinese Presidente Xi Jinping.
Ayon kay Laura Rosenberger, isang dating US diplomat at kasalukuyang director ng Alliance for Securing Democracy, mahalagang proganda ang makukuhang puntos ng North Korea sa pangyayaring ito.
Isa pa umano sa maaaring makamit ni Kim ay maipakita sa mamamayan ng NoKor na isa pa rin ito sa makapangyarihang tao sa mundo.
Si Xi naman ay ipinapakita raw na hindi siya maaaring basta iwan lalo na ang China sa mga mahahalagang mga usapin sa mundo.
Ito rin aniya ay pagpapaalala kay US President Donald Trump na pwedeng makatulong ang China o kaya ay maging balakid o “spoiler” lalo na sa usapin ng denuclerization sa Korean peninsula.
Timing daw at hindi maituturing na “coincidence” lamang ang pagbisita ng lider ng China dahil sa sunod na linggo ay magkikita sila at mag-uusap ni Trump sa tinaguriang G20 summit sa Japan.
Ang mga lider ng Russia at South Korea ay babayahe rin patungong Japan.