DAVAO CITY – Kinumpirma ni Consul General Li Lin ng Davao Consulate General’s Office na temporary ngayon na kinansela ng Xiamen Airlines (XiamenAir) na may direct flight mula Jingiang sa southeastern Chinese province sa Fujian at Davao.
Sinasabing buong buwan ng Pebrero walay biyahe ang Xiamen Air papuntang Davao ito ay dahil pa rin sa 2019 novel coronavirus (2019-nCoV) health emergency.
Ayon pa kay Lin, nag-isyu na ang XiamenAir ng travel advisory na nagkansela sa kanilang air route sa buwan ng Pebrero simula kahapon.
Ginawa ang nasabing hakbang para masiguro na ligtas ang publiko sa nasabing sakit.
Babalik lamang umano ang flight kung nasa normal na ang sitwasyon sa lugar partikular na sa China na matinding naapektohan ng 2019 N-coV.
Nabatid na ang Xiamen Air ang nagsisilbing air route sa loob ng ilang beses bawat linggo sa Davao mula noong 2018 matapos na pinirmahan ang sisterhood agreement sa pagitan ng Davao at Jinjiang para mapaunlad pa ang bilateral, tourism at trade ties sa dalawang bansa.