-- Advertisements --

Ibinahagi ng social media personality Xian Gaza ang proposal nito sa kaniyang nobya.

Sa mga larawan na ibinahagi nito sa social media ay makikita na isinagawa ang proposal sa Marina Bay Sands Singapore.

Makikita sa hindi na nitong pinangalanang nobya na nakasuot ito ng engagement ring.

Magugunitang naging matunog ang pangalan ni Gaza noong 2017 ng maglagay ito ng billboard sa Manila at inayang makipag-date ang actress na si Erich Gonzales.

Kinasuhan din ito noong 2018 ng 11 counts ng violations of the Bouncing Check Law.