-- Advertisements --

Tila mas mai-enjoy na ni Yam Concepcion ang pag-timeout muna sa mga taping at ngayo’y mag-iisang buwan nang nagbabakasyon sa New York.

Ito’y matapos makompleto na ng 33-year-old actress ang ikalawang dose ng bakuna kontra Coronavirus Disease (COVID) kasabay ang kanyang longtime boyfriend.

Yam 2nd dose

Nitong May 8 ang unang COVID vaccine ni Yam o Lorraine May sa tunay na buhay, at nitong weekend nang ibalandra ang kompletong vaccination record card na nagsilbi na rin nilang date time.

Una nang inihayag ni Yam na hanggang tatlong buwan itong magbabakasyon sa New York upang makabawi sa LDR (long distance relationship) sa boyfriend of six years.

Kung maaalala, minsang naging tampulan ng kantyaw si Yam noong sumailalim naman sa swab test matapos ilang beses nang tinangkang ipasok ang swab sa butas ng ilong ngunit napapasigaw ito na parang nakikiliti.

Si Yam ay nakilala noon sa sexy film na Rigodon, bago nag-iba ng imahe sa pagiging kontrabida at ngayon ay mayroon nang lead role sa teleserye.