-- Advertisements --

Isinusulong ni House Committee on Aquaculture and Fisheries Resources Chairman, Representative Brian Raymund Yamsuan na bumuo ng batas na magtitiyak sa kapakanan ng mga maliliit na mga mangingisda.

Dahil dito nakipag pulong si Yamsuan sa mga key officials ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) upang talakayain ang mga posibleng bagong panukalang batas na magtitiyak sa proteksyion ng mga maliliit na mangingisda.

Nais din ni Yamsuan na matigil na rin ang walang sawang pagsasamantala sa lumiliit na yamang dagat ng bansa.

Ang nasabing hakbang ni Yamsuan ay kasunod ng apela ng ilang organisasyon ng mga mangingisda, local government units (LGUs) at civil society groups sa First Division ng Supreme Court (SC) para ikunsidera ang ruling na maaaring mag clear ng daan para sa mga komersyal na kumpanya ng pangingisda na magkaroon ng walang hadlang na pag access sa mga municipal waters.

Sa ilalim kasi ng Fisheries Code, ang 15-kilometer municipal water zone ay limitado sa mga maliliit na mangingisda.

Sinabi ni Yamsuan ang kanilang primary concerns ay ang hanap buhay at kapakanan ng nasa 2.5 million na mga maliliit na mangingisda.

Dagdag pa ng mambabatas kailangan din mapangalagaan ang kapakanan ng mga maliliit na mangingisda na nanatiling pinakamahirap na sektor sa ating bansa.

Nagpahayag naman ng pagkabahala si Yamsuan sa posibleng malawakang negatibong bunga ng desisyon ng SC, sa gitna ng patuloy na pagbaba ng fish catch ng Pilipinas.

Sinabi ng Kongresista, ang mga Pilipino ay naka depende sa isda at iba pang mga seafoods na siyang primary source ng protein kaya nararapat lamang na protektahan ang ating fisheries and aquatic resources.