Nais ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan na magkaroon ng mas mahigpit na parusa laban sa mga illegal foreign workers sa bansa kabilang dito ang pagkakakulong sa hanggang anim na taon at ang pagtaas sa penalty mula sa P10,000 magiging P50,000 bawat taon sa kanilang unlawful employment.
Dahil dito, inihihirit ni Yamsuan ang pag apruba sa panukalang batas ang House Bill No. 1279 na naglalaman ng mga mahigpit na probisyon laban sa illegal employment ng mga banyaga sa bansa.
Si Yamsuan ay co-author ng nasabing panukalang batas.
Ginawa ni Yamsuan ang pahayag kasunod ng pagkaka-aresto sa 37 Chinese nationals na umano’y nagpapatakbo ng mga iligal na operasyon sa ParaƱaque City.
Naghain na rin ng resolution ang ilang mga senador na layong paimbestigahan ang reklamo ng Multinational Village homeowners sa Barangay Moonwalk hinggil sa buhos ng mga Chinese nationals na pinaniniwalaang sangkot sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs).
Nuong May 2,2024 inaresto ng PNP ang 10 Chinese nationals dahil sa umano’y human trafficking.
Dagdag pa ni Yamsuan sa sandaling maging ganap na batas ang House Bill 1279 ang isang foreign worker ay kaagad ipa-deport matapos makumpleto nito ang kaniyang pagkakakulong.
Sa panig ng employer na kumuha ng hindi otorisadong manggagawa ay mayruong penalty mula sa P100,000 hanggang P200,000 sa ilalim ng nasabing batas.
Bukod sa multa, mahaharap din sa closure o pagkasara sa operasyon ng nasabing business operations.
Sa nasabing panukala, minamandato ang DOLE na mag mantini ng registry ng mga foreign nationals hinggil sa kanilang estado sa kanilang employment.
Obligado din ang mga employers na magsumite ng listahan hinggil sa kanilang pag hire ng mga banyagang manggagawa.