-- Advertisements --
Ceres vallacar transit
Ceres transit

BACOLOD CITY – Halos 100 mga pulis ang idineploy sa ngayon sa main headquarters ng Ceres sa Brgy. Mansilingan, Bacolod City upang magbantay sa re-installation ng orihinal na mga guwardiya ng Yanson Group of Bus Companies.

Una rito, pumunta sa lugar ang Regional Civil Security Unit ng Police Regional Office (PRO)-6 upang ipatupad ang utos ng PNP-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) na i-reinstall ang Armored Guards Negros Security Agency (AGNSA) na siyang nagbabantay dito bago inappoint si Roy Yanson bilang presidente ng Yanson Group of Bus Companies nakaraang buwan.

Ayon sa order, nilabag ng AY-76 ang PNP Standing Operating Procedure na ang security agency ay hindi maaaring pumasok sa kontrata sa private company na mayroong conflict of claim.

Dahil dito, inutusan ng PNP-SOSIA ang RCSU-6 na ibalik ang AGNSA.

Hinarangan ng Yanson 4 o faction nina Roy Yanson ang gate ng kanilang headquarters gamit ang Ceres bus kaya’t hindi nakapasok ang mga pulis upang iinstall ang AGNSA.

Pinatibay din ng mga ito ang gate upang hindi makapasok ang mga pulis.

Sa panayam ng Bombo Radyo sa appointed president na si Roy Yanson, nanindigan itong hindi nila tatanggapin ang AGNSA dahil AY-76 ang kanilang security agency.

Giit nito, sana hihintayin na lang ng kanyang kapatid na si Leo Rey at ina na si Olivia Villaflores Yanson ang desisyon ng korte hinggil sa kaso na kanilang isinampa.

Ngunit ayon kay RCSU-6 Police Col. Fidel Dacpano, susundin nila ang utos ng national headquarters.

Nagpwesto na ngayon sa labas Ceres main office ang mga riot police mula sa Bacolod City Police Office at Negros Occidental Police Provincial Office.