-- Advertisements --
Yanson bus bacolod ceres
Yanson / Bacolod photo

BACOLOD CITY – Itutuloy na ng mga empleyado ng Yanson Bus of Group Companies ang bantang transport strike dahil sa patuloy na bangayan ng magkakapatid na Yanson.

Kaninang umaga, nag-file na ng notice of transport strike ang mga empleyado sa National Conciliation and Mediation Board ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Hernani Braza, national president ng Philippine Agricultural, Commercial and Industrial Workers Union-Trade Union of Congress of the Philippines (PACIWU-TUCP), bibigyan ng 10 araw ang magkapatid na Leo Rey at Roy Yanson na dumalo sa conciliation meeting.

Nabatid na ang bunsong si Leo Rey ay pinatalsik ng kanyang apat na kapatid bilang presidente ng Yanson Group of Bus Companies, habang ang panganay naman na si Roy ay siyang inilagay na papalit ngunit wala pang desisyon ang korte hinggil dito.

Sa conciliation meeting ayon kay Braza, pag-uusapan ang amicable settlement sa pagitan ng management at mga empleyado at kung walang settlement, mapipilitan silang magsagawa ng transport strike.

Giit ng PACIWU-TUCP national president, nalilito na ang mga empleyado kung sino ang kilalaning presidente ng bus companies.

Tiniyak naman nitong dadaan pa sa legal procedure ang transport strike at aaprubahan ng mayorya.