Kumbensido si House Committee on Appropriations chairman Eric Yap na ginagamit si Sen. Manny Pacquiao para maisulong ang ang political interest ng kanyang makakalaban sa halalan sa susunod na taon.
Ito ay matapos na sabihin ni Pacquiao na papaimbestigahan niya ang umano’y overpriced slope protection at flood control projects sa Benguet, kung saan caretaker si Yap.
Pumalag si Yap sa aniya’y pagyuyurak sa kanyang pangalan sa “publicity stunt” na ito para lamang sa pansariling interest.
Ayon kasi kay pacquiao, umakyat sa P9.578 billion ngayong taon lamang ang public works funding sa Benguet ngayong taon lamang mula sa P1.929 noong 2020.
Iginiit naman ni Yap na ang paratang na ito sa kanya ni Pacquiao ay halos magkapareho lamang sa sinasabi ng kanyang kalaban sa politika.
“And their intention in what they are doing is obvious,” saad ng kongresista.
“To my countrymen: Are we not tired of this style of politics? In which other candidates will only come out when a vote is needed? In which no one else can afford to announce achievements other than attacks to the opponent?” dagdag pa ni Yap.
Magugunita na noong Disyembre 2020 ay napabilang din si Yap sa mga mambabatas na pinaparatangan ni Pangulong Rodrigo Duterte na umano’y sangkot sa korapsyon.
Pero aminado naman ang Pangulo na wala siyang “hard evidence” hinggil sa alegasyon niyang ito.