-- Advertisements --

Target tapusin sa Biyernes ng bicameral conference committee ang pagsasa-ayos sa P4.5-trillion proposed 2021 national budget.

Bukas nakatakdang magsimula aniya ang bicameral conference meeting para sa 2021 proposed national budget, habang ngayong araw ng Lunes naman ang pre-bicam meeting kung saan pag-uusapan ang magiging protocols.

Sa gaganaping deliberasyon, sinabi ni Yap na ikukumpara ng House contigent ang kanilang proposed amendments sa bersyon naman ng Senado.

Sakali man na magkaroon ng duplications, sinabi ni Yap na ililipat nila ang mga pondong ito sa ibang ahensya na higit nangangailangan.

Ayon sa kongresista, isa sa mga pinakapangunahing amiyenda sa House contingent ay ang pagbibigay ng karagdagang P5 billion para sa calamity funds sa susunod na taon upang sa gayon ay matulungan ang mga apektado ng mga bagyong tumama sa Luzon kamakailan.

Tiniyak naman din nito na magiging transparent ang bicameral meeting, subalit iginiit naman na hindi maaring buksan sa lahat na nais na makibahagi sa kanilang deliberasyon dahil maari lamang magresulta ito sa pagkaantala ng proseso.

Nauna nang sinabi ni Lord Allan Velasco na titiyakin ng House contingent sa 2021 budget bicam na sapat ang pondo para sa rehabilitation at recovery ng mga komunidad na apektado ng mga bagyo kamakailan.