-- Advertisements --

Nanguna ang aktres na si Yasmien Kurdi sa nagpahayag ng excitement kaugnay sa twin concert ng Westlife sa Smart Araneta Coliseum simula ngayong gabi.

Nag-post pa si Yasmien ng mga lumang larawan kung saan nakasama na pala nito noon sa dinner ang nasabing Irish boyband.

Yasmien
“Bagong iyak din ako diyan sa photos noong naka-dinner ko sila. Grabe,”

Kaninang umaga lang nang dumating sa bansa ang Westlife na nasa likod ng hit songs gaya ng “If I Let You Go,” “Flying Without Wings,” “Seasons in the Sun,” “Fool Again,” “Uptown Girl,” “Unbreakable,” at iba pa.

Binubuo ang grupo nina Shane Filan, Nicky Byrne, Mark Feehily at Kian Egan.

Kung maaalala, isa si Kurdi sa mga nag-akusa noon ng pambabastos laban sa aktor na si Baron Geisler.