Tila isang sulit na weekend muli para kay Yasmin Isabel Pressman na enjoy pa rin sa kanyang bakasyon sa Amerika.
Ito’y matapos makatikim ng Pinoy foods sa Los Angeles si “Yassi” partikular nang bisitahin doon si Sen. “Manny” Pacquiao, mahigit isang buwan bago ang nakatakdang pagsabak sa boxing ring.
Kalakip ang larawan kasama si Pacman, inihayag ng 26-year-old Filipina-British actress na namis nito ang tilapia at adobo na siyang inihanda sa kanya ng Pinoy ring icon.
“Thank you Kuya Manny for the Rice!!! 🤣🤣🤣 and Tilapia & Adobo!! I missed that!!!”
“Goodluck po Sen @MannyPacquiao sa laban po ninyo!! Filipino Pride represent!!!“
Noong nakaraang linggo lang nang ibida ni Yassi ang personal na pagkikita na nila sa California, ng NBA star na si Damian Lillard.
Nabatid na si Lillard ay isa sa sumuporta sa kanyang advocacy kung saan nagbigay ito ng donasyon para sa nasunog na Philippine General Hospital kamakailan.