Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit P9.68 bilyong halaga ng 1.4 tonelada ng shabu mula sa isang pribadong yate sa katubigan ng lalawigan ng batangas.
Ito ay resulta ng ikinasang imbestigasyon ng mga tauhan ng BOC, Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa yate sa checkpoint sa Alitagtag, Batangas.
Nadiskubre naman sa sumunod na mga imbestigasyon ng BOC ang 3 pang pribadong yate na walang kaukulang dokumento na pagmamay-ari ng parehong owner ng unang yate.
Nakadaong ang nasabing mga pribadong yate sa Nasugbu, Batangas saka ititurn-over sa Port of Manila Auction and Cargo Disposal Division base sa Customs Administrative Order No. 10-2020 “Seizure and Forfeiture Proceedings and Appeals Process.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng critical intelligence na binuo ng Customs Investigation and Intelligence Service Field Station sa ilalim ng liderato nito na si Director Verne Enciso.
Samantala, nag-isyu na rin ng BOC ng seizure and detention warrant laban sa subject vessels para sa paglabag ng Section 1113 ng Republic Act 10863 o “Customs Modernization and Tariff Act.”