-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Natagpuan na ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatang bahagi ng Caluya, Antique ang isang yate na napabalitang nawawala sa isla ng Boracay.

Ang yate na may pangalang “breakaway” ay pagmamay-ari umano ng Lithuanian national na si Deivis Maciulisl.

Dumating sa Boracay noong Abril 16 ang yate mula Cuyo, Palawan.

Iniwan itong naka-angkla sa isla ng dayuhan at asawang Pinay, subalit noong Abril 19 ay natuklasang nawawala.

Agad na nagsagawa ng search operation ang PCG at natagpuan sa nasabing lugar.