-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Lubos ang pasasalamat ng mga pamilyang nagmula sa bayan ng Aleosan, Pigcawayan at Midsayap Cotabato sa programang Year-end Relief ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa pamumuno ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza.

Sinimulan ang pamamahagi ng tig-10 kilong bigas para sa mahigit 63, 565 na pamilya mula sa mga nasabing bayan sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at kanilang mga Local Government Units (LGUs).

Anim na mga bayan na ang nagsimulang mamahagi kung saan abot sa 400,000 vulnerable families in crisis situation ang mabibigyan sa buong probinsya ng Cotabato.

Nakiisa rin sa distribusyon bilang mga representante ni Governor Mendoza sina 1st District Board Members: Sittie Eljorie Antao-Balisi at Atty. Roland Jungco kasama sina dating Boardmembers Rose Cabaya at Shirlyn Macasarte Villanueva.

Todo pasasalamat naman sina Midsayap Mayor Rolly Sacdalan,Pigcawayan Mayor Juanito Agustin at Aleosan Mayor Eduardo Cabaya kay Gov Mendoza sa pinagkaloob na tulong ng Provincial Govt.

Samantala nagsimula nang mamahagi sa bayan ng Makilala kahapon ng umaga at aasahang sisimulan narin ang year-end relief ngayong araw, December 23, 2022 sa bayan ng Banisilan, Cotabato.