Nilinaw ngayon ng Bureau of Immigration (BI) na hindi requirement sa pagbiyahe sa ibayong dagat ang yearbook at graduation photos at kahit diploma.
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, kailangan lamang daw dalhin ng mga travelers ang kanilang mga pasaporte, roundtrip ticket, visa kung applicable at supporting documents.
Ang paglilinaw ni Sandoval ay kasunod na rin ng naging kuwento ng isang traveler who na hindi raw nakahabol sa kanyang flight sa Israel dahil sa mahabang interview sa kanya ng BI officer at hinanapan pa raw siya ng yearbook.
Ipinagtanggol din ni Sandoval ang mahigpit na screening ng Immigration sa outbound passengers.
Paliwanag niya, ito ay dahil na rin sa mga kaso ng human trafficking and illegal recruitment.
Nagpaalala rin ito sa mga travelers na dapat ay nasa immigration area na ang mga ito tatlong oras bago ang kanilang flight.