-- Advertisements --

Puno ng sigla at pagkagulat sa larangan ng palakasan sa iba’t ibang panig ng mundo ang bumandera sa taong 2019.

Boxing

Sa larangan ng boxing, magkakaibang eksena ang nasaksihan.

Nandiyan ang dalawang matagumpay na laban ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao.

MANNY PACQUIAO

Enero, nang maidepensa ng fighting senator ang kaniyang WBA Welterweight World Championship crown laban kay Adrien Broner sa Las Vegas.

Matapos ang anim na buwan ay tinanggalan niya ng WBA Super Welterweight champion belt si undefeated Keith Thurman.

Marso, nang binakante ni Donnie Nietes ang WBO Super Flyweight World Champion belt para makalaban ang mga malalaking pangalan sa boxing sa nasabing division.

Doble ang suwerte naman ang nakamtan ni Vasily Lomanchenko dahil noong Abril ay pinatumba niya si Anthony Crolla para mapanatili ang WBA super at WBO World Lightweight World Championship.

Noong Agosto ay tinalo niya si Luke Campbell sa pamamagitan ng unanimous decision at makuha ang bakanteng WBC World Lightweight Championship.

Dalawang laban din ang hinarap ni Terrence Crawford ng patumbahin niya sa ika-anim na round si Amir Khan noong Abril para mapanatili ang WBO World Welterweight crown at nitong Disyembre ay nadepensahan niya ang kaniyang championship belt sa pamamagitan ng TKO win laban kay Egidijus Kavaliauskas.

SAUL CANELO ALVAREZ

Tinanghal naman bilang four-division world champion sa 2019 si Canelo Alvarez matapos umakyat ito sa light heavyweight ng talunin si Sergey Kovalev sa 11 rounds.

Bago kasi ang nasabing laban ay nagwagi si Alvarez laban kay Daniel Jacos para mapanatili ang WBC, WBA super at IBF Middleweight World Championships.

Naging magandang taon din ang 2019 kay IBF Super Flyweight World Champion Jerwin “Pretty Boy” Ancajas ng talunin sina Ryuichi Funai at Miguel Gonzales at mapanatili ang walong sunod na world title defenses nito.

Ginulat naman ni Andy Ruiz Jr ang buong mundo ng talunin niya si Anthony Joshua sa loob ng ika-pitong round ay apat na beses niya itong napatumba para makuha ang WBA, IBF, WBO at IBO Heavyweight World Championships.

Gumawa rin ito ng pangalan sa kasaysayan ng boxing kung saan naging unang Mexican heavyweight world champion si Ruiz.

Sa naganap na rematch ay nakabawi naman si Joshua sa loob ng 12 rounds kung saan inaasahan ang pangatlong paghaharap ng dalawa sa 2020.

Itinuturing naman ng ilan na “fight of the year” ang harapan nina Nonito Donaire at Naoya Inoue.

Naoya Inoue nonito donaire

Kahit na nakuha ng Japanese boxer ang unanimous decision win ay naging mandatory challenger naman ang tinaguriang The Filipino Flash laban kay WBC Bantamweight World Champion Nordine Oubaali sa darating 2020 showdown.

Naging three-division championship naman si Johnriel “Quadro Alas” Casimero ng talunin si WBO World Champion Zolani Tete sa pamamagitan ng third round TKO.

Basketball

Sa larangan naman ng basketball nakamit ng Spain ang ikalawang kampeonato sa FIBA Basketball World Cup na ginanap sa China.

Mula sa 32 bansa na kalahok ay tinalo nila ang Argentina 95-75.

Nabigo naman ang defending champion na USA ng talunin sila ng France sa quarterfinals at sa Serbia sa classification game.

Naitala rin ng Toronto Raptors ang kauna-unahang kampeonato sa NBA ng talunin nila ang defending champion Golden State Warriors 114-110.

Naging malaking hamon sa Warriors ang finals matapos na hindi nakapaglaro ang star player nila na si Kevin Durant matapos na magtamo ng injury.

Nayanig din ang NBA fans matapos ang naganap na lipatan ng mga sikat na manalalaro.

Lumipat sa Brooklyn Nets si Durant matapos ang bigong kampeonato ng Warriors habang pinili ni Raptors Most Valuable Player Kawhi Leonard na lumipat sa Los Angeles Clippers.

Lumakas pa ang tsansa ng Los Angeles Lakers sa paglipat sa kanila ni Anthony Davis mula sa New Orleans Pelicans para magtambal sila ng NBA superstar na si LeBron James.

LEBRON DAVIS

Football, gymnastics, tennis and women power

Naidepensa naman ng United States women’s naitonal soccer team ang 2019 FIFA Women’s World Cup na talunin nila ang Netherlands 2-0.

Patuloy pa rin ang pangingibaw ng mga kababaihan sa 2019.

Naitala kasi ni Simone Biles ang kaniyang ika-25 world championship medal para maging most decorated gymnast of all time.

Gumawa naman ng pangalan ang 15-anyos tennis star Coco Gauff ng makuha ang WTA tournament at maging pinakabatang winner ng 2004 habang nabasag naman ni Brigid Kosgei ng Kenya ang women’s world marathon record sa ikalawang sunod na panalo sa Chicago Marathon.

Nag-viral din sa social media si Katelyn Ohashi ng UCLA gymnast na nakagawa ng tatlong backflips na lumapag sa split at bumalik sa ibabaw para sa kaniyang floor routine.

Dahil dito ay nabigyan siya ng perfect 10 ng mga judges noong Enero at nakakuha ng 9.95 dahil sa kaniyang routine.

Sa taon ding ito ay bumalik sa paglalaro ang superstar sa golf na si Tiger Woods matapos ang operasyon sa kanilang spinal kung saan nakuha niya ang ika-limang Masters title.

Ito ang kaniyang major win sa 11 taon at unang Masters mula pa noong 2005.

fifa womens