-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 08 19 19 05

Magkakahalong saya, lungkot, kilig, tensyon at kontrobersya pa rin ang bumuo sa mundo ng show business industry ngayong 2019.

Unang nalagay sa “hot seat” na nataon pa sa April Fool’s Day 2019 ang OPM (Original Pilipino Music) legend na si Jim Paredes.

Kung maaalala, umalma pero kinalaunan ay inamin naman ni Jim kasabay ng paghingi ng sorry na siya nga ang nasa kontrobersyal na video scandal.

Sa halos dalawang minutong video, makikita na siya ay naka-earphones, nilalaro ang dila bago isinentro ang ari sa camera.

Pero bago pa man malagay sa “lime light” ang OPM legend, nahati rin ang atensyon ng showbiz fanatics sa mga sumakabilang-buhay na kanilang idolo sa larangan ng pelikula, musika, at teatro.

Bakas namang mananatiling “buhay” sa alalala ng mga supporters ang alaala nina

Brian Velasco, drummer ng Pinoy rock band na Razorback

Umaga ng Enero 16 nang kumalat ang balita tungkol sa pagpapatiwakal ni Velasco sa pamamagitan ng Facebook Live, kung saan ini-record ng 41-year old musician ang pagtalon niya mula sa balcony ng isang condo tower sa Maynila. Nilinaw ng pamilya ng Razorback drummer na wala itong depression, kundi bipolar disorder.

Rock legend, Joseph William Feliciano “Pepe” Smith

January 28 nang tuluyang pumanaw ang “King of Pinoy Rock” sa edad na 71 dahil sa cardiac arrest.

armida reyna jpe


  1. “Bentong”

February 9 nang bawian ng buhay ang komedyante sa edad na 55. Tunay na pangalan nito ay Domingo Brotamante Jr.

Armida Siguion-Reyna

February 11 nang hindi na malabanan pa ng legendary singer-actress ang kanyang colon cancer sa edad na 88.

“Chokoleit”

March 9 nang gulatin ng stand-up comedian ang mga mahal sa buhay matapos nakuhanan pa ng video ang kanyang mga huling sandali. Isinilang bilang si Jonathan Garcia, nagawa pa niyang tapusin ang pagtatanghal sa isang show sa Abra pero makikita sa video na hinihingal at nahihirapan na siyang huminga. Dito ay inaatake na pala sa puso at dumaranas ng pulmonary edema.

“Eddie” Garcia

Yumanig din sa showbiz industry ang pagpanaw ng multi-awarded actor-director noong June 20 sa edad na 90. Ito’y matapos maaksidente sa gitna taping kung saan napatid sa kable si Manoy na nauwi sa neck fracture at dalawang linggong na-comatose hanggang sa tuluyang mamatay. Sa desisyon ng Department of Labor and Employment nito lang December 24, pinagmumulta nito ang Kapuso network at anim pang kompaniya ng P890,000 dahil sa paglabag sa tatlong probisyon ng Occupational Safety and Health Law.

Miss World Philippines 2012 3rd Princess April Love Jordan

Sa edad lamang na 31, namayapa ang beauty queen noong June 21 dahil liver cancer.

Child actress, Sophia Corullo

Hindi nakaligtas sa dengue ang anim na taong gulang na aktres na nasawi noong August 18.

Tony Mabesa at Amalia Fuentes

Magkasunod na pumanaw noong October 4 at 5. Una ay ang veteran actor sa edad na 84 na may dati nang iniindang sakit. Kinabukasan naman ay ang legendary actress sa edad na 79 dahil naman sa cardiac arrest.

amalia fuentes 2

Photo grab from Niño Muhlach FB post
  1. Miguel Barretto

Oktubre 15 nang sumakabilang-buhay ang Barretto patriarch matapos ang halos dalawang linggong pananatili sa intensive care unit ng St. Luke’s Medical Center.

Mico Palanca

Hanggang sa ngayon ay hindi pa binabanggit ang dahilan ng pagkamatay ng 41-year-old actor pero may mga impormasyon na tumalon daw ito mula sa rooftop ng isang mall sa San Juan City nitong December 9.

Kabilang pa sa mga “namaalam” sa industriya ay ang award-winning film actor na si Kristofer King, sinasabing diabetic na saglit na tumigil sa pagtibok ang kanyang puso; dating matinee idol at naging kongresista ng San Juan City na si Jose Mari Gonzalez dahil sa pneumonia at cardiac arrest; comedian-author na si Gary Lising na natagpuang walang buhay sa kanyang bahay; iconic Pinoy jazz singer na si Jacqui Magno dahil sa pancreatic cancer; beteranong aktor na si Lito Legaspi na inatake sa puso dalawang araw bago ang dapat sana ay 78th birthday niya; beteranong filmmaker na si Mel Chionglo dahil sa pneumonia; at dating aktres na si Mona Lisa na umanaw habang natutulog.

‘It’s not working’

Samantala, nauso rin ang pagkakaroon ng “team” dahil sa mga relasyong humantong sa hiwalayan. Nariyan ang team Derek Ramsay o kay Joanne Villablanca, team “Winwyn Marquez” o kay Mark Herras, team Ryza Cenon o kay Cholo Barretto, team Heaven Peralejo o kay Jimuel Pacquiao, at team Sue Ramirez o kay Joao Constancia.

Gayunman, tila pinaka-sinubaybayan ay ang tuluyang paghihiwalay nina Bea Alonzo at Gerald Anderson kung saan nadawit pa ang young actress na si Julia Barretto. Pinanghinayangan din ng mga fans ang break up nina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach at Fil-Swiss car racer na si Marlon Stockinger kung saan usap-usapan ang financial issue. Mayroon ding “wait and see” kung madudugtungan pa ang love story ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray at Fil-German model na si Clint Bondad.

Kung may hiwalayan, aabangan naman ang nakatakdang pagpapakasal ng sikat na engaged couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli; Angel Locsin at Neil Arce; 2017 Miss Universe Philippines Rachel Peters at CamSur Gov. “Migz” Villafuerte; Sam Pinto at Anthony Semerad.

Una nang pumasok sa married life bago mag-2020 si “Jolo” Revilla at 2016 Binibining Pilipinas runner-up na si Angelica Alita.

gretchen barreto duterte
President Duterte condoles with Barreto family (photo grab from twitter @itsmeclaudineb)

Barretto sisters feud: Gretchen, 49; Claudine, 40; VS Marjorie, 45

Matapos ang mahigit isang buwang pananahimik mula nang magkabangayan, magkasamang nagdiwang ng Pasko si Claudine Barretto at ate nitong si Gretchen. Habang kasama naman ni Marjorie ang pamilya nito partikular ang anak na si Julia.

Kung maaalala, nagkaroon ng komprontansyon ang Barretto sisters sa burol mismo ng namayapa nilang ama kahit pa naroon si Pangulong Rodrigo Duterte. Sinasabing lalong lumalim ang iringan ng magkakapatid dahil hindi nagustuhan ni Marjorie ang pagpapadala nina Gretchen at Claudine ng bulaklak kay Bea Alonzo noong kainitan ng isyu tungkol sa rumored relationship ni Julia kay Gerald Anderson. Nakaladkad din ang pangalan ng gambling businessman na si “Atong” Ang dahil sa usap-usapang may nakarelasyon ito sa mga Barretto kahit pamilyado na.

Sa kabilang dako, magdiriwang ng kanilang unang Mother’s Day sa May 2020 sina Anne Curtis at Solen Heussaff. Sinasabing sa March 2020 nakatakdang magsilang ang 34-anyos na si Anne, habang mauuna si Solenn sa January. Ang dalawa ay friends-turned-sisters-in-law at kapwa babae ang magiging first baby.

‘No back to back win’

Naniniwala si Gazini Ganados na hindi pa niya nararanasan ang “best days” ng kanyang buhay. Pahayag ito 24-year-old Cebuana-Palestinian beauty matapos bigong maibigay sa bansa ang back to back win sunod kay Catriona Magnayon Gray sa 2019 Miss Universe coronation. Ang Australian-Bicolanan beauty naman ay magpapatuloy pa rin daw sa kanyang charitable works kahit tapos na ang Miss Universe reign.

Maging sa Miss International ay hindi rin naging mapalad ang bansa para maungusan ang abot-kamay nang tagumpay noong nakaraang taon na first runner-up. Sa kabila nito, tanggap ng lawyer/beauty queen na si Bea Patricia Magtanong ang naging resulta kung saan nasungkit lamang nito ang Top 8 finish.

Bb Pilipinas Gazini Ganados
Bb. PIlipinas/ Twitter post