-- Advertisements --
House Congress
House of Representatives

“Para sa bayan!” Mga katagang sambit ng mga kaalyadong kongresista at ng mga dating nasa kabilang bakod ng politika matapos ang limang buwang pagkakaupo ni Speaker Alan Peter Cayetano sa pinakamataas na puwesto sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito ay matapos din na makapagtala ng mataas na rating ang Kamara sa nakalipas na mga poll surveys.

Bago kasi pormal na nahalal bilang lider ng Kamara, naging matindi ang eleksyon para sa speakership post sa pagitan nina Cayetano, Leyte Rep. Martin Romualdez at Marinduque Rep. Lord Alan Velasco.

Bagama’t matagal na sa mundo ng politika, hindi naging matunog ang pangalan ni Cayetano para sa naturang posisyon dahil sa wala umano itong relasyon sa mga magkakasama niya sa Kamara sa pagbubukas ng 18th Congress, hindi katulad nina Romualdez at Velasco.

Si Romualdez ay matagal nang kaibigan ng karamihan sa mga incumbent congressmen bukod pa sa bata siya ni dating Speaker Gloria Macapagal Arroyo, habang si Velasco naman ay malapit sa pamilya Duterte partikular na kay Davao City Mayor Sara Duterte.

Pero masuwerte si Cayetano dahil sa kabila ng pakikipagpulong ng kanyang mga katunggali kay Pangulong Duterte para suyuin ito ay sa huli siya ang nakakuha ng minimithing suporta paras sa speakership post.

Kaya naman sa pagbukas ng 18th Congress noong umaga ng Hulyo 22, si Cayetano ang siyang nakakopo ng maraming boto mula sa mga kapwa niya kongresista dahilan para siya ang kilalanın bilang lider ng Kamara.

IMG 01dd95a2af9dbae28edb69a02c52ed20 V

Gayunman, katulad nga ng kasabihan ngayon na “walang forever,”si Cayetano ay binibigyan lamng ni Pangulong Duterte ng 15 buwan para manatili bilang Speaker base na rin sa kanilang napagkasunduan nina Velasco, na papalit sa puwesto hanggang sa matapos ang 18th Congress.

Ayon sa oposisyon, walang katuturan ang gentleman’s agreement na ito dahil katulad ng normal na eleksyon kailangan pa rin na magkaroon ng boothan sa oras na magdesisyon si Cayetano na maagang bumaba sa puwesto.

Pero ano nga ba talaga ang nagpabago at nagpatibay sa relasyon ni Cayetano sa mga kapwa nito kongresista na sa simula pa man ay hindi ito suportado?

Sa isang pulong balitaan kamakailan, sinabi ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na kinalimutan na lamang nila ang kanilang pagkakaiba sa politika para mas mabigyan ng magandang serbisyo ang taumbayan.

“Nakita ko kaagad siyempre initially you know I have been vocal for Martin (Romualdez) during the speakership fight, though I did not say anything against Speaker Alan Cayetano, and (but) immediately you have to set it aside and you have to work,” ani Defensor.

Matapos na mahalal si Cayetano bilang lider ng Kamara, itinalaga naman si Romualdez bilang majority leader ng kapulungan.

Ang tulungan sa pagitan ng dalawang ito ayon kay Defensor ang siyang susi rin kung bakit hindi naantala ang pagpasa ng Kamara ng P4.1-trillion proposed 2020 national budget gayundin ng iba pang sa makabuluhang panukalang batas na may direktang epekto sa ekonomiya, kalidad ng pamumuhay at seguridad ng bansa.

Speaker Alan Cayetano
Speaker Alan Cayetano

“And I think now, beyond politics it has become a friendship. Hindi na lang ito basta-basta para sa bayan kundi mayroon talaga silang pagsasama at paging magkaibigan,” dagdag pa into.

Sinabi naman ni Romualdez na naging madali na lang sa kanya na ipaubaya na lamang kay Cayetano ang pinakamataas na puwesto sa Kamara dahil kaibigan naman talaga niya ito noon pa man.

“Itong relasyon namin ni Speaker, kaibigan naman talaga. Although we were betting on the same position, I’d like to thank him for being very magnanimous,” ani Romualdez.

Iginiit ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na naging madali rin para sa dating magkakatunggali sa Speakership race ang kalimutan na lamans ang pagkakaiba sa politika dahil sa magkaparehong layunin na isulong ang legislative agenda ni Pangulong Duterte.

“Basically ang working relationship kasi (namin) ay may goal, may objective. Under the leadership of Speaker Alan, ang Congress ay very hardworking and very productive. He set the trend. Nakita ng mga congressman na napakasipag ng ating Speaker at gusto nating maging isang productive House,” ani Villafuerte.

“Sinet niya ang vision ng napaka-aga: House for the people,” dagdag pa Cito.

Kaya naman kahit noong kasagsagan ng hosting ng Pilipinas ng ika-30 edisyon ng Southeast Asian (SEA) Games ay hindi naapektuhan ang trabaho sa Kamara.

Bagama’t abala si Cayetano sa SEA Games 2019 bilang chairman ng Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc), ay hinati-hati naman nito ang trabaho sa Kamara sa mga inihalal niyang napakaraming deputy speakers.

Bukod dito, nabatid na sa unang limang buwan ni Cayetano sa puwesto, nakapagpasa ang Kamara ng 175 na panukala sa loop ng 32 session days, kabilang na ang 2020 budget at ang apat na priority tax measures ng Duterte administration kung saan dalawa rito ay tuluyan nang naging ganap na batas.