Malaking kawalan sa teroristang Abu Sayyaf ang pagkamatay ng kanilang top notoryus lider na si Isnilon Totoni Hapilon.
Ayon kay retired AFP chief at ngayon ay DILG USec. Eduardo Ano, na ang pagkamatay ni Hapilon ay malaking blow sa grupo.
Umani ng papupi ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagkakapatay ng mga sundalo sa Emir ng ISIS sa Southeast Asia.
Amiando si Ano na matagumpay ang kanilang operasyon sa Marawi laban sa mga teroristang Maute kahit ilang buwan din ito natapos.
Napatay si Hapilon kasama si Omar Maute sa pinalakas na operasyon ng militar laban sa teroristang Maute sa Marawi City.
Si Hapilon ay tubong Lantawan,Basilan at ipinanganak nuong March 10,1968.
Pero batay sa Federal Bureau of Investigation (FBI) at ng United States Department of State Rewards for Justice Program na batay sa school transcripts nito ipinanganak siya nuong March 18,1966 at ang birth place nito ay sa Maluso, Basilan at ang nailistang parent/guardian nito ay si Haridja Hapilon na isang housekeeper at ang ama nito ay isang imam sa kanilang barangay, mayroon siyang limang kapatid.
Kilala din si Hapilon sa paggamit ng maraming mga aliases na Abu Musab, Sol, Abu Tuan, Esnilon, Salahuddin, Abubakar Hapilon, Amah Hi Omar, Abu Omar, Abubakar at Bakkal.
Mga lenguahe na ginagamit ni Hapilon ay Tausug, Tagalog, Yakan, Arabic at marunong din ito ng English.
Nuong April 2016 lumabas sa isyu ng ISIL’s weekly newsletter Al Naba na si Hapilon ang itinalagang “emir of all Islamic State forces sa Pilipinas”.
Si Hapilon at ang Maute brothers ang nanguna sa pagsakop sa siyudad ng Marawi.
Umabot sa higit limang buwan ang sagupaan sa pagitan ng militar at teroristang grupo kung saan nasa 974 na mga terorista ang nasawi, 11 ang naaresto.
Sa panig naman ng pamahalaan nasa 165 nasawi kung saan 12 dito ay nasawi dahil sa friendly fire habang isa ang iniulat na missing.
Higit 1,400 naman na mga sundalo ang nasugatan nasa 87 civilian ang nasawi kung saan 40 dito ay namatay dahil sa sakit o karamdaman.
Ayon kay retired general Ano, madaling araw nuong October 16,2017 napatay ng mga sundalong Army si Hapilon sa isinagawang operasyon kasama si Omar Maute.
October 20,2017, kinumpirma ng AFP batay sa resulta ng DNA testing na ang most wanted terrorist sa bansa na si Isnilon Hapilon na si Isnilon Hapilon.
Ayon sa militar mismo ang US Federal Bureau of Investigation ang nagkumpirma na patay na nga si Hapilon.
“We have received an official report that the US Federal Bureau of Investigation has confirmed that the DNA sample taken from a body recovered by our operating units in Marawi matches that of Isnilon Hapilon,” pahayag ni Lorenzana.
“This process of verification is also being conducted on the cadavers of the other terrorists that have been recovered so far,” dagdag pa ni Lorenzana.
Sina Hapilon at Omar Maute ay napatay sa pamamagitan ng sniper fire madaling araw ng Lunes, October 16.
Si Omar Maute ay nagtamo ng headshot habang si Hapilon ay nagtamo ng tama ng bala sa dibdib.
Martes, October 17, idiniklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na liberated na na ang Marawi mula sa mga terorista kasunod ng pagkakapatay sa kanilang lider.
Hanggang sa ngayon wala pa ring malinaw kung sino ang pumalit sa pwesto ng napatay na si ASG Leader Isnilon Hapilon na siyang Emir ng ISIS sa Southeast Asia.
Pero sa report ni PNP Chief PDGen. Ronald Dela Rosa ang Malaysian terrorist na si Amin Baco ang itinalagang bagong emir ng ISIS Southeast Asia.
Ito ay matapos aminin ng naarestong Malaysian terrorists na si Mohammad Ilham Syahputra na si Baco ang tumatayong emir ng Maute-ISIS group.
Sinabi ni Dela Rosa na bukod aniya sa pagiging emir ng ISIS sa Southeast Asia, si Amin Baco din ang lider ng mga natitira pang Maute members.
Pero ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, walang dapat na ikabahala ang publiko kahit hindi pa nahuhuli ng militar ang sinasabing pumalit kay Isnilon Hapilon na si Amin Baco, isang Malaysian National.
Aniya, hindi kasing lakas ni Hapilon si Baco dahil ngayon lamang din lumutang ang pangalan nito. Hindi rin aniya kaya ni Baco ang kakayahan ni Hapilon na maghakot ng mga tauhan.
Sinabi pa nito na sinusuyod na ng militar ang bawat sulok ng Marawi at mga kalapit lugar upang matagpuan at mahuli si Amin Baco.
Samantala, as of December 15, 2017 nasa 30 porsiyento na ng mga lugar sa lungsod ng Marawi ang na-clear na ng AFP engineers mula sa mga improvised explosive device (IED) lalo na sa mga unexploded ordnance, partikular ang mga lugar na lubhang naapektuhan sa labanan sa pagitan ng militar at mga teroristang Maute.
Sa ngayon daw nasa higit 500 military engineers ang kasalukuyang naka-deploy sa Marawi City sa ilalim ng JETG.
Ayon kay Major Gen. Arnold Rafael Depakakibo, chief engineer ng AFP, ongoing pa rin ang kanilang misyon na alisin ang mga pampasabog sa mga apektadong lugar.
Sinabi ni Depakakibo nasa kabuuang 2,853 assorted unexploded ordnance at 415 IED na ang narekober ng engineering personnel ng AFP.
Aniya, ginawa nila ang clearing sa pamamagitan ng suporta at tulong mula sa Explosives and Ordnance Disposal Company ng AFP at K-9 Teams mula sa Philippine Army at Philippine Air Force.
Inihayag din nito na nakumpleto na ng Joint Engineering Task Group (JETG) ang clearing operations sa halos 20 kilometro na mga primary at secondary roads, tatlong major bridges, isang eskwelahan at tatlong places of worship.
Tumutulong din umano ang AFP engineers sa kanilang ginagawang limited construction support sa mga government agencies na involved sa pagsuporta at pag-maintain sa mga evacuation centers.
Umaasiste rin ang JETG sa Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) sa pagbuo sa 500 temporary shelters para sa mga evacuees kung saan nasa 250 units na ang na-award last week.
Habang ang natitirang 250 units ay nakatakdang ibahagi sa susunod na buwan.