-- Advertisements --

Aminado ang liderato ng Philippine National Police (PNP) na malaking hamon sa kanilang hanay ang taong 2018, kung saan maraming mga “ups and downs” din ang kanilang naranasan.

Pero sa kabuuan, naging matagumpay naman umano ang kanilang kampanya sa iligal na droga kahit ito ay “relentless at chilling.”

Ipinagmamalaki naman ng PNP ang pagbaba ng krimen at ang pagbibigay halaga sa karapatang pantao sa kanilang mga operasyon.

 

Local executive slay-case

 

“Pulitika o away sa negosyo” ang lumalabas na motibo sa likod ng pamamaslang sa ilang mga local chief executives. Ito ang ibinunyag ng pambansang pulisya.

Ayon kay PNP Spokesperson C/Supt. Benigno Durana karamihan sa mga nasabing kaso ay “politically motivated.”

Nasa 18 kasong pagpatay na kinasasangkutan ng mga local government officials ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng Duterte administration.

Sa 18 kaso, 13 dito ay kanilang kinunsiderang case solved, ito ay dahil sa ipinatupad na crime solution efficiency ng PNP.

Sa datos na inilabas ng PNP batay sa resulta ng imbestigasyon, ang mga kasong may kinalaman sa pulitika o politically motivate ay ang mga sumusunod:

  • Mayor Arsenio Agustin ng Marcos, Ilocos Norte (Hunyo 3, 2017)
  • Vice Mayor Alex Lubigan ng Trece Martires, Cavite (Hulyo 7,2018)
  • Vice Mayor Al-Rasheed Mohammad Ali ng Sapa-Sapa, Tawi-Tawi (Hulyo 11, 2018)

Samantala, ang kaso naman ni Mayor Ferdinand Bote ng General Tinio, Nueva Ecija noong July 3,2018 ay isa umanong business rivalry.

Kinumpirma rin ni Durana na may limang kaso pa ang under investigation sa ngayon at ito ay ang sumusunod:

  • Vice-Mayor Aaron Sampaga ng Pamplona, Cagayan (Agosto 2016)
  • Mayor Antonio Halili ng Tanuan City, Batangas (Hulyo 2, 2018)
  • Vice-Mayor Jonah John Ungab ng Ronda, Cebu (Pebrero 19, 2018)
  • Mayor Mariano Blanco ng Ronda, Cebu (Setyembre 5, 2018)
  • Mayor Alexander Buquing ng Sudipen, La Union (Oktubre 1, 2018)

Dahil sa serye ng patayan sa mga local executives, bumuo ang PNP ng National Investigation Task Force para i-monitor ang mga isinasagawang imbestigasyon ng mga special investigastion task group.

Aminado naman ang PNP dahil election period na naman posibleng may mga chief executives pa ang magiging biktima.

Sa ngayon pinalakas ng PNP ang kanilang kampanya laban sa mga private armed groups at mga riding in tandem na malimit ginagamit ng ilang mga pulitiko sa kanilang mga kalaban.

Hinimok naman ng pulisya ang mga local executives na makipag-ugnayan sa kanila kapag may natatanggap ng mga banta sa kanilang buhay.

 

PNP’s revitalized drug campaign ‘di naging madugo kahit ‘relentless and chilling’

 

Itinuturing na matagumpay ni PNP chief Oscar Albayalde  ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga kahit hindi ito naging madugo.

Bagama’t sinasabing “relentless and chilling” ang kanilang “revitalized” war on drugs, nagawa nilang hindi dadanak ang dugo.

Ito ay dahil sa mga ipinatupad na bagong reporma kung saan pinahahalagahan ng PNP ang karapatang pantao.

Ayon kay Albayalde, marami na raw silang natutunan sa mga nakalipas na operasyon kaya ayaw na nilang maulit pa ito.

Tiniyak naman nito na lalo pa nilang palalakasin ang kanilang kampanya sa iligal na droga sa pakikipag tulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Binigyang-diin din ni Albayalde na mananatili pa rin ang kanilang momentum sa pagtugis sa mga tinaguriang big time drug lords.

Magiging “relentless” at “chilling” pa rin ito subalit naaayon sa batas at may respeto sa karapatang pantao.

Bukod sa pinalakas na kampanya laban sa iligal na droga ng pamahalaan, mahigpit na tinutukan ngayong 2018 ng pulisya ang paglilinis sa kanilang hanay laban sa mga tinaguriang “police scalawags.”

Sinabi ni Albayalde, ngayong taon ay kanilang nabigyan ng atensiyon ang Revitalized Internal Cleansing program kung saan nasa 417 na mga police scalawags ang natanggal sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa illegal drugs.

Sa naging operasyon ng PNP Counter Intelligence Task Force (CITF) sa pamumuno ni S/Supt. Romeo Caramat, nasa siyam na umano’y ninja cops ang nasawi sa isinagawa nilang operasyon.

Kinumpirma ni Albayalde na nasa 1,700 pang mga pulis ang kanilang mino monitor sa ngayon dahil sa involvement ng mga ito sa illegal drugs at iba pang illegal activities.

 

“Challenging, frustrating” ang 2018 kay PDEA chief Aaron Aquino

 

“Very challenging, minsan frustrating” para kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino ang taong 2018 sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga.

Kabilang sa mga hamong kinaharap ng PDEA ngayong taon ay ang P11-bilyong shabu na nakasilid sa mga magnetic lifters sa Cavite na hindi nasabat ng ahensiya at ang hindi pagpabor sa kanilang suhestiyon ang mandatory drug testing sa mga kabataan.

Ito ay kahit sunud-sunod din ang mga naging accomplishments ng PDEA.

Nagkaroon din ng impact sa ahensiya ang pagkakadawit sa PDEA No. 2 man na si dating deputy director general Ismael Fajardo sa 1.6-ton shabu shipment.

Si Fajardo ang isa sa tatlong personalidad na tinukoy na sangkot sa bilyong halaga na illegal drug shipment.

Ikinalungkot naman ni Aquino ang hindi pag sang-ayon ng Department of Education na isailalim sa mandatory drug testing ang mga kabataan.