-- Advertisements --

Iniulat ni Philippine Medical Association (PMA) President Dr. Benito Atienza na ang posibleng taunang paglunsad ng pagbabakuna sa Covid-19 sa Pilipinas ay depende sa development ng SARS-CoV-2 o ang virus na nagdudulot ng Covid-19 .

Sinabi ni Atienza, na bukod sa mga scientist na gumagawa ng mga bakuna, ang posibleng pagpapatupad ng taunang pagbabakuna laban sa Covid-19 ay depende sa mismong pag-unlad ng virus.

Dagdag pa nito na mahalagang isaalang-alang kung mawawala ang Covid-19 pagkatapos ma-inoculate ang lahat.

Inulit din niya na ang mga virus ay “bumubuti” at nag-mutate, at upang maprotektahan ang mga tao, pag-aaralan at pagbutihin ng mga siyentipiko ang magagamit na mga bakuna, katulad ng ginawa ng mga eksperto sa mga bakuna laban sa trangkaso na ibinibigay taun-taon.

Bagama’t hindi pa rin tiyak, sinabi ni Atienza na mahalagang mabakunahan ang publiko sa oras na magdesisyon ang pambansang pamahalaan na ipatupad ang ikaapat na vaccine dose scheme sa bansa.