-- Advertisements --

Itinaas ng National Grid Corporation of the Philippines ang yellow at red alerts nitong Lunes.

Epektibo ang yellow alert mula alas-9:00 ng umaga hanggang ala-1:00 ng hapon; alas-4:00 at alas-5:00 ng hapon; at alas-6:00 hanggang alas-9:00 gabi.

Samantala, ang red alert naman ay epektibo mula ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon.

Ayon sa NGCP, ang available capacity ng Luzon grid ay 10,830 megawatts habang ang peak demand ay 10,371 megawatts.