-- Advertisements --

Tuluyan ng nagtapos at lumipat na sa lungsod ng Taguig ang mga nakukuhang health benefits ng mga nasa barangay Embo ng lungsod ng Makati.

Sa pagsisimula kasi ng taon ay kasabay din ng pagtatapos ng kanilang mga nakukuhang benepisyo mula sa Makati City health cards.

Taong 2021 ng maglabas ang desisyon ang Korte Suprema na ang mga nasa Embo at kalapit na barangays ay nasa hurisdiksyon na ng Taguig City.

Dinoble pa ng Korte Suprema ang desisyon noong 2022 ng ibasura nito ang motion for reconsideration na inihain ng lungsod ng Makati.

Ang “Yellow Card” o Makati Health Plus ay nagbibigay sa mga benepesaryo ng libreng gamot at iba pang medikal na benepisyo.

Maging ang mga health centers at lying-in clinics sa Embo Barangays ay nagsara na matapos na mag-expire na ang kanilang mga lisensiya.