Muling nag-abiso ang Department of Energy (DOE) hinggil sa inaasahang rotational brownouts sa Luzon dulot ng yellow at red alert.
Nitong umaga nang isailalim sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon Grid kung saan inaasahan ang manipis na supply ng kuryente.
Nagsimula ito kaninang alas-8:00 hanggang alas-10:00 ng umaga.
Babalik din ito mamayang alas-5:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi; at alas-9:00 hanggang alas-11:00 ng gabi.
Samantala, kasalukuyang nasa red alert ang rehiyon mula kaninang alas-10:00 ng umaga hanggang mamayang alas-5:00 ng hapon.
Dahil dito, asahan ang rotational brownout dahil sa mas mahinang generation ng kuryente.
Mararamdaman din daw ito mamayang alas-6:00 hanggang alas-9:00 ng gabi.
Ayon sa NGCP nasa 10,707-megawatts ang capacity ngayong araw ng Luzon Grid habang nasa 10,534-megawatts ang inaasahang peak demand.
Ngayong hapon nakatakda muling humarap sa Senado ang energy officials hinggil sa sitwasyon ng power sector sa bansa.