-- Advertisements --
Muling naging aktibo sa Instagram ang actress na si Yen Santos.
Ito ay matapos burahin nito ang kaniyang account matapos ang ma-isyu kay Paolo Contis.
Bagamat wala itong post ay nagpost ito sa kaniyang my day para patunayan na aktibo ito.
Makikita dito ang larawan ng dalawang libro na kaniyang nakatakdang basahin.
Napansin rin ng kaniyang fans na wala itong pina-follow at mga post sa account.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay itinuro ang actress na siyang naging dahilan sa paghihiwalay ng celebrity couple na si Paolo Contis at LJ Reyes.