-- Advertisements --
Yeng
Yeng Constantino

Ibinunyag ni Yeng Constantino na siya ay nakaranas ng trauma dahil sa pambabash ng ilang netizens.

Ayon sa singer, na tuwing nakakakita ng mga logo ng iba’t-ibang social media platform ay kinakabahan na nito.

Magugunitang binanatan ng singer ang isang doctor nang di-umano’y pinabayaan ang naaksidenteng asawa sa Siargao noong Hulyo.

Matapos ang ilang araw ay naglabas ang singer ng vlog at humingi ito ng paumanhin ngunit sa kabila nito ay patuloy pa rin ang pamba-bash na kaniyang natanggap mula sa mga netizens.