-- Advertisements --

Nagpasya na si Rain or Shine head coach Yeng Guiao na hindi na ito papasok sa pulitika.

Bilang dating dating Pampanga representatives, vice governor at board member ay hindi na ito maghahain ng anumang posisyon para sa May 12, 2025 election.

Sinabi nito na ang pagpapasya para tumigil na sa pulitika ay ang kaniyang pamilya.

Nag-usap-usap na umano sila at nagpasya na layuan na ang buhay pulitika.

Si Guia ay anak ni dating Pampanga Governor Bren Z. Guiao.

Taong 2013 ng magwagi ito sa kongreso kung saan isa sa mga panukalang batas niya ay ang Athlete’s Incentive Actna siyiang nagtaas ng insentibong matatanggap ng mga atleta sa mga international tournaments.

Kung saan makakatanggap ng P5-milyon na incentives sa mga Olympic gold medalist mula sa dating P1-M.

Giit nito na mas gusto niya ang mapayapang buhay dahil ang pulitika ay maraming problema ang iniisip at gagastusin na pera.