-- Advertisements --

Hindi maiwasan ni Yeng Constantino na maglabas ng sama loob sa mga doctor ng Siargao, Surigao del Norte.

Ito ay matapos na maaksidente ang asawa nitong si Yan Asuncion matapos mag-dive.

https://www.instagram.com/p/B0Fed1qH5H5/?utm_source=ig_web_copy_link

Kuwento ng singer sa kaniyang Instagram, nitong Hulyo 18 ng magtungo sila sa Siargao island at ng mag-cliff diving sa isang lagoon.

Nagkaroon ng bahagyang memory loss si Asuncion dahil sa aksidente.

Ayon sa singer hindi naging maganda ang karanasan nito sa Dapa Siargao Hospital.

Una kasi dinala ang asawa nito sa Del Carmen hospital at dahil kulang sila sa gamit ay pinalipat ito sa Dapa Siargao Hospital.

Dagdag pa ng singer na pagdating nila sa nabanggit na pagamutan ay naghintay pa sila ng halos apat na oras dahil wala pa ang operator ng X-Ray machine.

Nagkaroon pa ng problema ang makina kaya humingi sila ng tulong sa mga tauhan ng General Luna Hospital at doon napagana ito.

Tinawagan niya ng pansin ang isang Doctora Esterlina Luzares Tan dahil sa tila hindi pagiging alerto nito sa nagaganap at bahagyang kapabayaan.

Humingi rin ng paumanhin ang singer sa mga tao ng Siargao dahil sa inasal niya na sinusubukan niyang ikalma ang sarili dahil sa nangyari sa kaniyang asawa.

Labis naman ang pasalamat nito dahil hindi gaano naging matindi ang pinsala ng kaniyang asawa at ito ay patuloy na nagpapagaling na.