CENTRAL MINDANAO- Simple lamang ang kailangan sa pagturn-over ng Cotabato City sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang panalong boto ng Yes sa Bangsamoro Organic Law ng mga Cotabateños.
Ito ang sinabi ni Ministry of Interior and Local Government Minister Naguib Sinarimbo.
Ayon kay Sinarimbo na hindi maaaring dagdagan ng Bangsamoro Government ang ilang mga batas na iginiit ni Cotabato City Mayor Attorney Frances Cynthia Guiani Sayadi bago ito iturn-over.
Dagdag ng opisyal na hindi nangangailangan ng mga karagdagang batas na syang nais ng alkalde dahil kahit walang Local Government Code ang Gobyerno ay mayroon namang existing na probisyon ang Bangsamoro Organic Law (BOL) at gumagana ang subsisting regional law hanggat hindi ito binabago ng Parliament.
May ilang batas na mahalaga na binanggit si Mayor Guiani Sayadi na dapat na gagawin ng Bangsamoro Government lalong lalo na ang Parliament.
Unang sinabi ni Mayor Guiani Sayadi na dapat umanong ipasa muna ang mga mahahalagang batas sa Bangsamoro Transition Authority (BTA) bago i-turnover ang siyudad ng Cotabato sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Nais ni Sayadi na pagtibayin at ipapasa muna ng BTA ang mga mahahalagang batas kagaya ng Local Government Code, Administrative Code, ang kawalan daw ng magna carta for workers, teachers, health workers, social workers at tripartite wage ng dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na lubhang napakababa kung ihambing sa Rehiyon 12.
Nilinaw ni Atty Sinarimbo na overdue na ang pagturn-over ng Cotabato City sa BARMM mula sa rehiyon-12 dahil tatlong buwan lamang ang ibinigay para dito matapos ang plebesito.