-- Advertisements --

Sabay na nagpositibo ng COVID-19 si Ynna Asistio at ina nitong si Nadia Montenegro.

Sa kaniyang Instagram account, ikinuwento ng actress na unang nagnegatibo ang resulta ng kaniyang swab test at nagpositibo naman ang kaniyang ina.

Dahil sa pagpositibo ng kaniyang ina ay itinuturing siya at ilang kaanak sa loob ng bahay nila bilang persons under investigation.

Inaayos na rin nito ang kaniyang mga gamit para dahil patungo ito sa Bicol subalit lumabas na nagpositibo na ang kaniyang swab test results.

Ilang araw na rin itong nagpahinga hanggang sa tuluyan siyang gumaling mula sa nasabing sakit.