-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Walang mapagsidlan ng tuwa ng isang Yolanda survivor mula sa Tacloban matapos itong mag-number 2 sa katatapos pa lamang na social worker licensure examination.

Ayon kay Xhelxea Francesca Lerios, estudyante mula Leyte Normal University (LNU), nagulat ito nang makita ang kanyang pangalan sa mga topnotcher at sa ibang tao lang niya ito nalaman lalo pa’t hindi nito inaasahan ang pangunguna nito sa pagsusulit.

Dagdag ni Lerios, dahil na rin sa pagsusumikap na mag-aral, tulong ng mga tao na nakapalibot sa kaniya at pananalig sa Diyos ang nagdala sa kanya sa rurok ng tagumpay.

Maliban dito ay nakuha naman ng LNU ang number 2 Most Performing Schools sa Licensure Exam for Social Workers sa buong bansa na nakakuha ng passing percentage na 97.96 percent.