-- Advertisements --

Binigyan nang parangal ng pamahalaan ng Miami si WBA welterweight world champion Yordenis Ugas matapos ang malaking panalo kontra kay legendary eight-division world champion at Philippine Senator Manny “Pacman” Pacquiao noong August 22.

Ugas miami

Nanguna si Mayor Francis Suarez sa pagbibigay tribute kay Ugas sa pamamagitan nang “Key to the City.”

Kinilala ni Suarez ang pagsisikap ni Ugas na ipaabot ang hindi magandang nangyayari sa kanyang tinakasan na bansa na Cuba at pagiging diktador ng pamahalaan doon.

Ang pagbibigay pugay kay Ugás ay tulad din sa ilang tanging elite athletes na ginawaran nang pagpapahalaga sa South Florida, tulad noon sa Florida Marlins pitcher at World Series champion Livan Hernández, NBA Champions Dwyane Wade at Shaquille O´Neal, global music superstars Shakira at Jennifer López, at actor Will Smith at iba pa.