-- Advertisements --

Naniniwala si World Boxing Association (WBA) champion Yordenis Ugas na tapos na ang boxing career ni Senator Manny Pacquiao.

Ginawa ni Ugas ang pahayag matapos na makarating sa kanya ang balita na pormal nang nagdeklara si Pacquiao nang kandidatura sa pagka-presidente ng Pilipinas sa 2022 presidential elections.

Ayon kay Ugas, maging siya ay mag-aanunsiyo na rin na tapos na ang makulay at legendary boxing career ng fighting senator.

YUR 4

“Pacquiao announced that he will be a candidate to go to the elections of his country to become president. Today I also announce. That his boxing career ended. He is leaving one of the best fighters in history and one of the most loved and respected fighters,” ani Ugas sa Twitter post.

Kung maalala noong August 22 ay ginulat ng Cuban champion ang buong mundo nang talunin ang eight division world champion.

Kaugnay naman sa presidential ambitions ni Pacman, nagbigay na ng tribute si Ugas kung saan iiwan daw ng pambansang kamao ang makasaysayang record, kabilang na ang pagiging kilala at minahal na boksingero sa buong mundo.

Todo namana ng pasasalamat ni Ugas na binigyan siya nang pagkakataon na makaharap ang isang pambihirang boksingero sa huli nitong pag-akyat sa ring.

Ipinaabot din ni Ugas ang “goodluck wish” kay Pacquiao lalo na sa mas mabigat na laban sa pagsisilbi sa bayan.

“It will always be an honor to have shared the ring in your last match with this legend. Thank you for everything you gave to boxing, as one more fan, I am just grateful for everything you brought and gave to the sport that I love.”

“Good luck and success in the next thing that comes for you. You have represented the Philippines with honor fighting above the ring, now it’s time to continue fighting below it, serving your country, which is something much bigger. You are still a champ inspiration. God bless.”