Pormal nang iniluklok sa puwesto si Yoshihide Suga bilang bagong prime minister ng Japan.
Ito ay matapos ang nangyaring botohan sa parliament ngayong araw.
Si Suga, na pinuno ng ruling na Liberal Democratic Party (LDP), ang hahalili kay Shinzo Abe, na bumaba sa puwesto bilang punong ministro dahil sa nararanasan nitong problema sa kalusugan.
Nitong Lunes nang mahalal si Suga bilang pinuno ng LDP makaraang makatipon ng 70% ng mga boto.
Nasungkit naman kalaunan ni Suga ang boto ng national legislature, ang Diet, kung saan nakuha nito ang 314 mula sa 465 sa lower house, at 142 mula sa 240 boto sa upper chamber.
Nakatakda itong manumpa sa tungkulin ngayong hapon, kasama ang mapipili nitong mga miyembro ng kanyang gabinete, kay Emperor Naruhito sa Imperial Palace sa Tokyo.
Si Suga, 71-anyos, ay dating kanang kamay ni Abe sa halos walong taong panunungkulan nito sa kanyang ikalawang termino kung saan umupo ito bilang chief cabinet secretary. (CNN)