Bumuhos ang samu’t-saring kritisismo ng mga LGBT groups sa iba’t ibang panig ng mundo matapos ilabas ng Vatican ang 31-page document na pinamagatang “Male and Female He Created Them.”
Inilabas ito kasabay ng paggunita ng Pride month ngayong buwan ng Hunyo.
Nakasaad sa dokumentong ito ang ilang guidelines patungkol sa mga usapin tulad ng transgender community. Tila binabatikos umano nito ang makabagong paniniwala ng karamihan sa kasarian ng isang tao.
Ayon dito, hindi maaaring mamili ang isang tao kung siya ba ay lalaki o isang babae.
Layunin umano ng nasabing dokumento na ito na tulungan ang mga Katolikong guro, magulang at estudyante na talakayin ang di-umano’y “educational crisis” sa larangan ng sex education.
Sa kabila nito ay walang opisyal na pirma si Pope Francis sa dokumento kung kaya’t napansin ng ilang pari na sumusuporta sa LGBT community na ginawa lamang basehan ang paglathala nito sa mga nakaraang papal pronouncements at Vatican documents.