-- Advertisements --

Tikom pa ang bibig ni Kisses Delavin sa gitna ng mga paghikayat ng kanyang fans na subukan ang kapalaran sa Miss Universe Philippines (MUP) 2021.

Batay sa impormasyon, huling araw ngayong Linggo ang isinagawang Zoom interview para sa mga aspiring beauty queens at bukas, July 19, iaanunsyo ang Top 100 ladies.

Sila ay sasailalim naman sa virtual challenges mula July 19 hanggang August 31.

Dito ay sasalain ang mga kandidata sa Top 75, Top 50 hanggang sa Top 30 at inaasahang magso-showdown sa coronation night sa September 25.

Ang 22-year-old actress ay naging “housemate” sa isang reality show noong 2016, tinanghal na rin bilang Miss Masbate at Miss Kaogma sa parehong taon, at naging Miss Teen Masbate noong 2013.

Matatandaang ang half Indian beauty mula Iloilo na si Rabiya Mateo ang pinakaunang kinoronahan bilang Miss Universe Philippines, o hiwalay nang franchise sa Binibining Pilipinas.