-- Advertisements --

VIGAN CITY- Bumisita si Senador Imee Marcos para sa selebrasyon ng women’s Month ngayong Marso, at namahagi ng ayuda at dayalogo sa mga kabataang magsasaka na Miembro ng Young Farmers Club of the Philippines dito sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Tatlong daan dalawamput tatlong solo parents, at PWD parents ng unang distrito ng probinsia ang nakatanngap ng tulong pinansial mula sa Department of Social Welfare and Development, sa pamamagitan ng programa ng Assistance to Individuals in Crisis Situations, habang limang daang benepisyaryo naman ng pangalawang distrito ng probinsiya ang nakatanngap ng din tulong pinansial.

Nagsilbing Guest of Honor si Senator Imee Marcos Sa pagidiriwang ng women’s month, naipa-mahag sa limang daang kababaihan ang libreng self-care services, tulad ng manicure, pedicure, eyebrow services, masahe, libreng marriage legal counseling na inorganisa ng opisina ni Vice Governor Ryan Luis Singson, at tulong mula sa Ladies for RYAN sa bayan ng Santa Municipal Gymnasium.

Nakipagkita rin ang senator sa mga Young Farmers dito sa probinsiya.

Aniya, ang programa niyang Young farmers challenge ay para mahikayat ang mga kabataan para tumulong na mapabuti ang agrikultura ng bansa.

Magbibigay si Senator Imee Marcos ng 50,000 pesos sa mga sasali ng nasabing programa sa mga labing tatlong gulang pababa, kung makakagawa sila bagong produkto, at bagong teknolohiya, na maaaring maging Regional Champion ang mananalo at kapag naging National Champion ay makakatanggap ng P550,000.