BUTUAN CITY – Hindi pa malinaw kung dadalo o hindi si Vice President Sara Duterte sa susunod na pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ngayong Lunes matapos ang hindi niya pagdalo kahapon dahil sa pagbisita niya dito sa Butuan City upang pangunahan ang pagdiriwang ng ika-89 na founding anniversary ng Office of the Vice President o OVP.
Ayon kay VP Sara, nang inihayag ng komite na insufficient at hindi matanggap ang kanyang sworn affidavit, nagdesisyon na siyang hindi na gagawa pang muli at bahala na ang nasabing komite sa kanilang gustong gawin.
Ang pagdalo umano niya at ng kanyang mga personahe sa naturang pagdinig ay case-to-case basis lamang kung may matatanggap silang imbitasyon at depende na rin sa desisyon ng kanyang mga personahe.
Samantala sa pahayag naman ni Zambales Congressman at committee chairman Jefferson ‘Jay’ Khungkon na siya ang dapat na sisihin kung mawawalan ang Office of the Vice President ng 200 mga trabahante, inihayag ni VP Sara na wala siyang dapat panangutan lalo na kung mula sa mga kongresistang tumatawag sa kanilang sarili na ‘Young Guns’ na binansagan niya ngayong mga ‘Young Goons.’