-- Advertisements --

Hinamon ng mga miyembro ng Young Guns ang mga kandidato sa pagkasenador na isapubliko ang kanilang paninindigan kaugnay ng impeachment case na inihain laban kay Vice President Sara Duterte.

Binigyan-diin nina House Assistant Majority Leader Pammy Zamora ng Taguig City at 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez na dapat ding ipahayag ng senatorial candidates ang kanilang paninindigan sa isyu ng transparency, accountability, at maingat na paggamit ng pondo ng bayan.

Sa panig naman ni Rep. Rodge Gutierrez, kinatawan ng 1Rider party-list at miyembro ng 11-man House Prosecution Panel, ang impeachment case laban kay Duterte ay tiyak na magiging isang isyu sa mga kandidato ngayong panahon ng kampanya tuimatakbo man sa nasyunal o lokal na posisyon.

Diin pa ni Gutierrez na miyembro ng 11-man House Prosecution Panel, magiging isyu ngayong campaign season ang impeachment kay VP Duterte.

Matatandaang hati ang opinyon ng mga pulitiko hinggil sa usapin kung isa nga bang election issue ang naturang paksa.