Hinamon ng Young Guns ng kamara si VP Sara Duterte na mag testify muna under oath at saka sila sasailalim sa hamon din nito na magpa drug test at psychological test.
Sa isang panayam sinabi ni La Union Rep. Paolo Ortega na miyembro din ng Young Guns na patong-patong na ang mga hamon kaya nararapat lamang na mauna si VP Sara sa hamon na mag testify muna siya under oath.
Ginawa ni Ortega ang pahayag matapos hinamon ng pangalawang Pangulo ang mga young guns ng House of Representatives na sumailalim sa drug at psychological test.
Binigyang-diin ni Ortega na walang problema kung sasailalim sila sa test dahil wala silang itinatago lalo at hindi siya umiinom ng alak.
Ipinapanukala din ni Ortega na isang neutral third-party na grupo ng mga medical experts ang siyang gagawa ng drug and psychiatric exams upang matiyak na ang prosesso ay objective at transparent.
Ayon sa mga miyembro ng Young Guns mahalaga na maipaliwanag ni VP Sara kung paano nito ginastos ang pondo ng OVP at DepEd.
Sa panig ni Rep. Jay Khonghun tinatanggap nila ang hamon pero hindi nila hahayaan na i-divert ng VP Sara ang totoong isyu.
Binigyang-diin ni Khonghun ang kahalagahan ng pagiging fit ng isang public official pero dapat maging accountable ito sa kanilang aksiyon.
Ayon naman kay house Assistant Majority Leader and Lanao del Sur Rep. Zia Alonto nakahanda sila sa test kung maaari ay iiskedyul na ito.
Pero gayunpaman sinabi ni Adiong na dapat sagutin muna ni VP Sara ang tanong ng lahat na ang maling paggamit ng kaniyang pondo.
Sa panig naman ni House Minority Leader and Ako Bicol Partylist Rep. Jil Bongalon, na isang abugado na sinuman na bumagsak sa drug test ay mahaharap sa legal consequences sa ilalim ng Dangerous Drugs Act.
Binigyang-diin ni Bongalon na ang pagharap ni VP Sara sa Blue Ribbon Committee ay mahalaga para transparency and good governance.
Nangako din sina House Deputy Majority Leader at PBA Party-list Rep. Migs Nograles at Davao Oriental Rep. Cheeno Almario na sumailalim din sa test.