Suportado ng dalawang miyembro ng Young Guns sa Kamara de Representantes ang pahayag ni dating Sen. Leila de Lima laban sa sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nakikisimpatya sa Kingdom of Jesus Christ, na pinamumunuan ng wanted na si Pastor Apollo Quiboloy.
Kasabay nito, hinimok nina Deputy Majority Leader Jude Acidre at Assistant Majority Leader Jil Bongalon ang dating Pangulo na tumulong upang maaresto si Quiboloy upang harapin nito ang mga kasong isinampa laban sa kanya.
Iginiit ng dalawang mambabatas na may basehang ligal ang pagpapatupad ng arrest warrant laban sa mga nagtatago sa batas.
Ang reaksyon ni De Lima ay tugon sa pahayag ni Duterte na may mga nilabag na karapatan ang mga otoridad sa pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay Quiboloy.
Sinang-ayunan ni Acidre si De Lima, at sinabi na ang naturang operasyon ay nakabase sa isang valid warrant of arrest.
Sa pagsang ayon kay Acide, iginiit ni Bongalon na ang dating Pangulo pa ang dapat pinakahuli na magbigay ng negatibong reaksyon sa aghuli kay Quiboloy