-- Advertisements --

RA3

Naniniwala ang pinakabatang Agri-Fishery Council Chair Ryan Palunan na malaki ang maaambag ng mga kabataan para tumulong sa pagbalangkas ng mga patakaran at rekomendasyon na makikinabang ang mga magsasaka at gawing moderno ang sektor ng agrikultura.

Ang Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC) ng Cordillera Administrative Region, sa pamumuno ni Chairperson Palunan, siniguro na gagawin niya ang lahat para mahikayat ang mga kabataan na tumulong para sa pagpapaunlad ng agrikultura at pangingisda.

Sinabi ni Palanan na bilang pinakabatang pinuno ng RAFC sa kasaysayan ng Agriculture and Fishery Councils (AFCs), gagawa siya ng mga resolusyon at rekomendasyon sa patakaran na magiging gabay ng Department of Agriculture sa paglalaan ng badyet, pagbibigay-priyoridad ng mga programa/aktibidad/proyekto, para malutas ang mga isyu at alalahanin ng mga stakeholder ng industriya.

Ang 25-anyos na magsasaka mula sa Baguio City ay itinalaga noong Marso bilang RAFC Chairperson ng Regional AFC ng Cordillera Administrative Region para sa 2022.

Ayon sa batang lider na magsasaka, panahon na para makilahok at makiisa ang mga kabataan na lumahok, makipag-ugnayan sa mga magsasaka, maupo sa kanila, at talakayin ang mga problema sa lupa ng sa gayon makagawa ng mas mahusay na mga patakaran.

“Ang naging taglay natin as youth is being idealistic. We voice out what we feel, but when we think of other things like agriculture, do we also voice it out? Like the problems of the farmers, sana may nakakarinig ng problema nila and translate it into policies,” wika ni Palunan.

RA2

Bagama’t nahaharap sa sarili niyang mga hamon sa pananalapi at pamamahala sa oras sa kanyang maliit na backyard farm, sinabi ni Palunan na ang pagiging bahagi ng RAFC ay nagpapahintulot sa kanya na maging isang ambassador sa kanyang sariling lokalidad, dahil ito ay isang makasaysayang milestone na ang katulad niyang bata ay napili na maging pinunoo o lider sa kanilang rehiyon.

Giit ni Palunan, ang posisyon na iginawad sa kaniya ay malaking hamon na kaniyang kahaharapin, at nagbibigay din ito ng pagkakataon na kumatawan sa mga kabataan at mamuno sa mas matatanda, lalo na at mas experienced farmers at fishermen sa Cordillera region.

“I am young, inexperienced, and looking at the people around here, they have established farms and big agri-businesses. Naliliitan ako sa sarili ko. But when I look at the positive side, nasasabi ko sa sarili ko na one day, magiging gano’n din ako,” wika ni Palunan.

Naniniwala rin si palunan na ang agrikultura ay para din sa mga kabataan, at ang kabataan din ang kinabukasan ng sektor.

Idinagdag niya na ang agrikultura ay hindi lamang dapat tungkol sa paggawa, ngunit tungkol din sa pagdaragdag ng halaga at paglikha ng sarili mong merkado.

Inirekomenda ni Palunan ang pagsusulong ng aktibong partisipasyon ng mga grupong magsasaka sa pagpapaunlad ng proyekto, preserbasyon at integrasyon ng Indigenous Knowledge Systems and Practices (IKSP) sa agrikultura, pagtataguyod ng agrikultura sa lunsod, at pangangailangan para sa pananaliksik at pagpapaunlad, hindi lamang para sa produksyon, kundi pati na rin sa aspeto ng marketing ng agrikultura, partikular sa industriya ng kape at kuneho, bilang prayoridad niya sa patakaran.

Bukod sa pag-impluwensya sa mga pagpapaunlad ng patakaran, bilang batang tagapangulo, si Palunan ay makakapaglakbay din sa iba’t ibang bahagi ng bansa kung saan mayroong mga aktibidad o imbitasyon na pinasimulan ng PCAF mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Magkakaroon siya ng pagkakataon na lumikha ng mga koneksyon sa iba pang mga magsasaka at mangingisda sa labas ng kanyang rehiyon at makilala ang mga programa, aktibidad, at proyekto ng pamahalaan at may pagkakataong makipagkita at makipag-usap sa mga opisyal ng DA tungkol sa iba’t ibang isyu at alalahanin ng kanyang mga nasasakupan sa rehiyon.

Samantala, naniniwala naman si Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF) OIC Executive Director Liza Battad, dahil sa tulong ng lahat lalo na sa AFCs at local RAFC, malaking tulong ito sa economic recovery ng bansa.

“I truly believe that it is our AFCs at the national (National Banner Program Committees) and local (RAFC) levels who have the strongest of minds and hearts, especially at these trying times. They are the ones working in communities, helping other farmers and fishers recover during the most difficult times of the pandemic, natural disasters, and pressing agri-fishery-related issues and concerns through the crafting of significant policy and program recommendations. These, in turn, contribute to the economic recovery of our nation,” pahayag ni OIC Executive Director Liza Battad.